| | OH GULAY. Naiinis ako. Zero ako sa isang experiment sa Chem kasi wala kaming Ginisa Mix. :| Sabi nga ni Agnes, "Hay nako. Hay nako. Hay nako." Sayang. Ito pa naman yung pinaghandaan kong experiment. Nagpa-explain pa ko kay Aurea at kay Clara. Kung kelan naman makakabawi na ko sa Chem Lec, chaka naman sasablay yung grade ko sa Lab. Hay nako. :| Mapapasabay ka na rin lang sa kanta ng Apo Hiking Society, "Ganyan talaga ang buhay." Haha!
Kakagaling ko lang sa mansion ni Ate Regh. Haha. Mansion literal. Dun na nga daw yung venue ng debut ni Clara eh. :P Yung TV nila, SOOOOBRANG LAKI. Kasing laki nung gitna ng blackboard tapos flat screen pa. Feel na feel mo yun pag naglalaro ka ng Resident Evil. Saya nun! Haha. Tapos sa kwarto niya, aba! May ilaw na automatic na sumisindi pag binuksan mo yung cabinet. Haha.
Clara: Magkano binabayad niyo sa kuryente? Regh: P20 000 Lahat: WOOOOAH! Kel: Grabe. Parang wala pang 1/4 nun yung binabayaran namin. :)) *Silence* Lahat: ...P20 000 :O
May mga diamond diamond yung headboard ng kama ni Regh. Tinatanong namin kung ano yung lumalabas dun. At wow, umiilaw siya. Sabi ni Garalde, "Naman! Kaya naman pala P20 000, eh kahit yung kama mo may kuryente!" Hahaha.
Ok. Panahon na para atupagin ang dapat atupagin. Matulog na tayo! Haha. :D (Gusto ko mag-videoke bigla. Wala lang. Haha. Ang labo ko.)
|
| | Posted 9/28/2007 8:53 PM - 41 Views - 0 eProps - 0 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |