| | Fall Out Boy Live in Manila! :D
Nag-date kami ni Ate. Haha. Dun kami nag-stay sa may Upper B. Nakakainggit yung mga nasa Patron. :(( SOBRA. May bata nga na feeling ko malapit nang tumalon dun sa hagdan eh. Sabi ko kay Ate, kapag yan tumalon, talon din tayo! :)) Unfotunately, hilig lang ata niya talaga tumambay dun.
Grabe. Nakakaawa ang Chicosci. Sila yung front act ng FOB. Naisip ko nga, sooooobrang swerte ng Chicosci. Tawang-tawa pa ko kasi tinawag nila yung crowd. Nagsabi siyang CHI-CO-SCI na mahina dun sa mic tapos yung mga tao, ang sinagot FALL-OUT-BOY. Haha.
Maya-maya, lumabas na si Sib, Andi at Anne. Inintroduce nila yung Fall Out Boy. Eh di namin makita ni Ate kasi may nakaharang na tatlong babae dun sa may hagdan. Tapos sinigawan ni Ate tas umalis sila. After nun, kami yung lumipat sa pwesto nila. :)) Siguro nainis samin yun. Hahaha.
Nakakainis yung katabi namin ni Ate. Ang walang kwenta nila. English lang sila ng English eh halata namang marunong mag-Tagalog. Kahit nung bumibili sila dun sa manang, English parin ng English. Haha. Tapos nung mismong concert na, di man lang gumagalaw. May sarili kaming mosh pit ni Ate. Haha. Talon kami ng talon. :D
Ang saya. :D Kaso kasi parang... I'm soooo near, yet soooo far. Chaka nabitin ako. SOBRANG BITIN. Halos one hour lang sila tumugtog. :| Basta, panalo parin yung cover nila ng Don't Matter. Haha! :D
Grabe. Naisip ko, sobrang si Pete yung pinaka-kilala ng tao. Sayang nga kasi siya lang yung nagsasalita. Pero ang kulit kasi, kahit ang sabihin lang ni Pete "Uhh.." lahat ng tao sumisigaw. :))
Di ako mapakali. Gusto ko ng autograph. Hahaha! Grabe. Sobrang swerte ng nakakuha ng drumsticks ni Andy. At lalong maswerte yung nakakuha ng t-shirt ni Pete. Hahaha. Tae. Kung ako yun, di ko na lalabhan yun. Ipapa-frame ko pa! Haha. :D
Ang saya. Parang lalo pa kong na-elibs sa kanila nung napanood ko. Ok. Ang sakit na ng katawan at lalamunan ko. :D
|
| | Posted 9/22/2007 12:56 PM - 38 Views - 0 eProps - 0 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |