|
twinkletoria
|
read my profile
sign my guestbook
Name: twinkle Country: Philippines Birthday: 7/8/1992
Interests: the simpsons, club penguin, movies, diner dash, desperate housewives, dota, guitar, music, archie comics Expertise: staring at the tv for a day
Message: message me Yahoo: victoriaalmazan
Member Since:
3/21/2005
|
|
SubscriptionsSites I Read
|
|
|
|
| Goodbye, cruel world!
Haha.
Mag-mimigrate muna ako sa LJ. :D
| | |
| Cinema One marathon kahapon kami ni Ate. :)) Kamusta naman. Nanonood kami ng Dubai. Magkapatid si John Lloyd chaka si Aga. Ex ni Aga si Claudine tapos nagustuhan ni John Lloyd. Pinag-aagawan nila si Claudine.
Ate: Kel, wala naman tayong pangarap mag-Canada diba?
Kel: Ate, solid din tayo!
After ng Dubai, So Happy Together naman. Haha.
| | |
| OH GULAY. Naiinis ako. Zero ako sa isang experiment sa Chem kasi wala kaming Ginisa Mix. :| Sabi nga ni Agnes, "Hay nako. Hay nako. Hay nako." Sayang. Ito pa naman yung pinaghandaan kong experiment. Nagpa-explain pa ko kay Aurea at kay Clara. Kung kelan naman makakabawi na ko sa Chem Lec, chaka naman sasablay yung grade ko sa Lab. Hay nako. :| Mapapasabay ka na rin lang sa kanta ng Apo Hiking Society, "Ganyan talaga ang buhay." Haha!
Kakagaling ko lang sa mansion ni Ate Regh. Haha. Mansion literal. Dun na nga daw yung venue ng debut ni Clara eh. :P Yung TV nila, SOOOOBRANG LAKI. Kasing laki nung gitna ng blackboard tapos flat screen pa. Feel na feel mo yun pag naglalaro ka ng Resident Evil. Saya nun! Haha. Tapos sa kwarto niya, aba! May ilaw na automatic na sumisindi pag binuksan mo yung cabinet. Haha.
Clara: Magkano binabayad niyo sa kuryente? Regh: P20 000 Lahat: WOOOOAH! Kel: Grabe. Parang wala pang 1/4 nun yung binabayaran namin. :)) *Silence* Lahat: ...P20 000 :O
May mga diamond diamond yung headboard ng kama ni Regh. Tinatanong namin kung ano yung lumalabas dun. At wow, umiilaw siya. Sabi ni Garalde, "Naman! Kaya naman pala P20 000, eh kahit yung kama mo may kuryente!" Hahaha.
Ok. Panahon na para atupagin ang dapat atupagin. Matulog na tayo! Haha. :D (Gusto ko mag-videoke bigla. Wala lang. Haha. Ang labo ko.)
| | |
| Fall Out Boy Live in Manila! :D
Nag-date kami ni Ate. Haha. Dun kami nag-stay sa may Upper B. Nakakainggit yung mga nasa Patron. :(( SOBRA. May bata nga na feeling ko malapit nang tumalon dun sa hagdan eh. Sabi ko kay Ate, kapag yan tumalon, talon din tayo! :)) Unfotunately, hilig lang ata niya talaga tumambay dun.
Grabe. Nakakaawa ang Chicosci. Sila yung front act ng FOB. Naisip ko nga, sooooobrang swerte ng Chicosci. Tawang-tawa pa ko kasi tinawag nila yung crowd. Nagsabi siyang CHI-CO-SCI na mahina dun sa mic tapos yung mga tao, ang sinagot FALL-OUT-BOY. Haha.
Maya-maya, lumabas na si Sib, Andi at Anne. Inintroduce nila yung Fall Out Boy. Eh di namin makita ni Ate kasi may nakaharang na tatlong babae dun sa may hagdan. Tapos sinigawan ni Ate tas umalis sila. After nun, kami yung lumipat sa pwesto nila. :)) Siguro nainis samin yun. Hahaha.
Nakakainis yung katabi namin ni Ate. Ang walang kwenta nila. English lang sila ng English eh halata namang marunong mag-Tagalog. Kahit nung bumibili sila dun sa manang, English parin ng English. Haha. Tapos nung mismong concert na, di man lang gumagalaw. May sarili kaming mosh pit ni Ate. Haha. Talon kami ng talon. :D
Ang saya. :D Kaso kasi parang... I'm soooo near, yet soooo far. Chaka nabitin ako. SOBRANG BITIN. Halos one hour lang sila tumugtog. :| Basta, panalo parin yung cover nila ng Don't Matter. Haha! :D
Grabe. Naisip ko, sobrang si Pete yung pinaka-kilala ng tao. Sayang nga kasi siya lang yung nagsasalita. Pero ang kulit kasi, kahit ang sabihin lang ni Pete "Uhh.." lahat ng tao sumisigaw. :))
Di ako mapakali. Gusto ko ng autograph. Hahaha! Grabe. Sobrang swerte ng nakakuha ng drumsticks ni Andy. At lalong maswerte yung nakakuha ng t-shirt ni Pete. Hahaha. Tae. Kung ako yun, di ko na lalabhan yun. Ipapa-frame ko pa! Haha. :D
Ang saya. Parang lalo pa kong na-elibs sa kanila nung napanood ko. Ok. Ang sakit na ng katawan at lalamunan ko. :D
| | |
| Nasosobrahan na kami ni Mika ng Veronica Mars. Pero hindi katulad ni Veronica Mars, hindi na namin kailangan magnakaw ng student records at makipagkaibigan sa mga biker gang - common sense lang ang solusyon!
Gusto ko na rin tuloy magkaroon ng taser. Ang masasabi ko lang, beware the master of the poker face. HAHAHA!
| | |
|
|